Oo. future oriented ako. bakit? angal ka? i like day dreaming you know. aha :)) it’s so fun thinking about how your life would flow in the future. minsan, kahit kumakain ako eh nangangarap pa ako. baliw. pero minsan nakakainis na din eh, bakit? kasi naman no, sabi nila, too much anticipation of your future could bring the biggest disappointment in your life. let me explain that one. kasi, when you dream, you expect na matutupad yung mga yun but then again, as they say, nothing is ever certain, ‘pag ‘di mo na-meet yung mga expectations,of course, it would mar all your courage. iisipin mo na wala kang kwenta, at magbabanggit pa ng mga linyang pang-pelikula like..”saan ba ako nangkamali?”..”hindi pa ba sapat lahat ng ginawa ko? bakit ganito?. kainis. aha :)) pero ayos lang yan. cute pa rin ako (anung konek??)
since nasabi ko na rin lang na future-oriented ako eh sasabihin ko na din ang mga pangarap ko. aha :))
tag-lish mode ako, pansin niyo? eh blog ko to eh. pasensyahan tayo kung di kayo makaintindi ng tagalog.
back to our topic.
i’m a highflyer. ambisyosa ang lola mo. wala lang. gusto ko sanang makapasa sa UP DILIMAN. OO NA, SIGE NA, HINDI AKO MATALINO, MASIPAG LANG AKO. PAKI NIYO BA? EH MASARAP MANGARAP. malay natin, eventually eh makapasa nga ako.
kaya sa mga nagsasabi diyan na matalino sila, paki ko sa inyo!! aha :)) wala nga akong photographic memory pero may humility naman ako no. at least, kung ‘di man ako makatapos eh pwede akong mag-apply bilang katulong, hardinera, tindera, matadera at lahat na ng may “era” dahil nga masipag ako. carry ko ang mga ganung trabaho eh kayo? ano? magrerecite kayo ng mga alam niyo sa kalsada? yung mga tipong kailan dumating sa pilipinas si magellan, middle initial ni barrack obama, bakit sumasabog ang bulkan, bakit dalawa ang butas ng **** ng babae. aha :))para hulugan kayo ng barya?aha :)) feeling niyo naman kakagat yang gimik niyo. mga baliw. retarded.
saan na naman ako napunta..
gusto ko rin palang mag-graduate as magna cum laude, maging abogada at maging topnotcher sa bar exams. oo na, sige na, wala na kayong paki. alam ko naman yun eh. wala din akong paki sa inyo
sa ngayon, iniisip ko na kung magkano ang babayaran sa dorm, ang semestral tuition, allowance at kung anu-ano pang tungkol sa future ko. cute ako eh (anung konek?)
ang nanay ko ay isang dakilang kontrabida. bakit? eh kainis eh. basta ‘pag naiinis na siya sa pagiging future-oriented ko ay she will look at me in mock frustration. kainis no? kung ‘di lang ako mabait mtagal ko na siyang sinipa. JOKE!!
ang tatay ko naman eh go na go. cool daddy kasi eh. woooooo. i love you dad
at ang kapatid ko.. never mind. makakonsumisyun ya mu ing alti.
masaya talaga. pramis. ang alin? kumain ng mais. joke. (may konek ba?wala)
aha :))
pero kahit dinadaan ko sa biro, totoo sa loob ko lahat ng pangarap ko. (uii nagsenti si ineng). hindi nga, totoo talaga yun. ang tagal ng nagtatrabaho sa abroad ng tatay ko. alam naman natin kung gaano kahirap yun ‘di ba? siguro nga, may katigasan ang ulo ko pero MAY PANGARAP AKO. hindi ako yung tipo ng anak na MABAIT talaga. pasaway ako, bungangera at sumasagot sa magulang. buti nga ‘di pa ako nabubuntis eh. aha :))
pero..
MAY PANGARAP AKO AT DAHIL DUN ALAM KONG MAY KINABUKASAN AKO..
siguro nga, masyado ako kung mag-anticipate. feeling madam auring kasi. pero wala lang. masaya kasi talagang isipin na aakyat ako ng stage habang ina-announce na magna cum laude ako. o ‘di ba? ang humarap sa korte using highfalutin words para maduling ang kalaban sa kaso. aha :)) at ang idisplay ang diploma ko na proof na nagtapos ako sa UP. o ‘di ba? ang saya?
hindi ko alam kung ano ang meron sa mga susunod na araw, buwan, taon pero kahit anu pa man iyon. cute pa rin ako. joke. mananatili akong nagsisikap at nangangarap para sa isang magandang bukas dahil sabi nga nila ang pangarap ay mananatiling pangarap na lamang kung hindi ka kikilos.
hindi ako nahihiya, naasiwa, nasusuka, najijingle, najejebs, nalilibugan o anu pa man para sabihin na…
“FUTURE-ORIENTED AKO”